Payo sa mga Nagmamahal

Masanay kang tanggapin, tanggapin ang katotohanan.

Na hindi lahat ng nagmamahal ay minamahal pabalik.

Hindi lahat ng pagod at pagsisikap nasusuklian muli.

Tanggapin mo ang katotohanan, na wala ka na sa kanya.

Kinalimutan ka na niya, matagal na.

Na hindi sa lahat ng oras, sayo siya.

Hindi ka na niya mahal, tanggapin mo na.

 

Matuto kang umintindi, umintindi ng katotohanan.

Na ang pagmamahal ay hindi sobrang bayad na kailangan suklian.

Intindihin mo, na kapag nag bigay ka, hindi ka naghahangad ng kapalit.

Na hindi mo makukuha ang iyong gusto kahit anong pilit.

Kasi kapag nagmahal ka, walang kondisyon. Ibibigay mo ang buong pagkatao.

Iaalay mo ang sarili mo. Intindihin mo.

 

Masanay kang tumanggap, tumanggap ng pagmamahal.

Wag mong ikulong ang sarili mo, hindi pwedeng ikaw nalang lagi.

Tumanggap ka ng pagmamahal mula sa iba, dahil hindi ka mabubuhay ng mag-isa ka lang.

Tumanggap ka ng tulong, dahil minsan okay lang na hindi ikaw ang lamang.

Wag kang maging makasarili, bagkus ay mahalin mo ang iyong sarili, hindi pa huli. Tumanggap ka.

 

Matuto kang magbigay, magmahal ng walang katapusan.

Magbigay ng oras sa kanya, pahalagahan siya.

Ibigay mo ang lahat nang walang pag aalinlangan.

Ibigay mo ito nang walang pakundangan.

Kumain kayo ng sabay, kamustahin mo oras-oras.

Dahil hindi sa lahat ng oras, mahahawakan mo siya.

Hindi lahat ng oras ikaw ang mahal niya.

Maging mapagbigay ka.

 

Masanay kang masaktan, ayos lang yan.

Masanay ka na, na hindi lahat ng oras magrereply siya.

Na hindi lahat ng oras kakamustahin ka niya.

Masanay ka na sa walang katapusang tampuhan, sa walang katapusang hindi pagkakaunawaan, sa walang katapusang sigawan, sa walang katapusang hidwaan.

Ayos lang yan. Makakatulong yan sa pagpapatatag ng relasyon nyo. Makakatulong yan, basta walang bibitiw, kapit lang kayo.

Normal lang ang masaktan.

 

Matuto kang magmahal, magmahal ng tapat.

Mag mahal ka at tanggapin mo siya, tanggapin mo ang lahat sa kanya.

Ang mga pagkakamali niya, tanggapin mo.

Magmahal ka at intindihin mo siya, unawain mo.

Magmahal ka at magbigay ka, pasayahin mo.

At higit sa lahat, matuto kang magmahal ng buo.

Masanay ka at matuto.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s